Friday, October 30, 2009

I'm Back

Antagal ko ring hindi nagparamdam sa blog na to noh? Well.. andami kasi akong ginawa sa buhay ko na kahit sulyap ay hindi ko magawa sa website na to..hehe. Anyway, Nagbalik na po ang inyong lingkod at gusto ko pong ikwento lahat ng nangyari sa aking buhay kung bakit hindi ako nakapagsulat sa blog na ito. Una, inasikaso ko po ang aking second course which is Computer Hardware Servicing at pagkagraduate ay tumungo ako sa Caloocan City para mag-exam ng tesda NCII. I’m so bless kasi nakapasa naman at nasa aking mga kamay na ang certificate na nagpapatunay na nakapasa ako sa examination na iyon. After graduation, natanggap ako sa IT company, nagpapasalamat ako dahil naiapply ko ang course na kinuha ko. Isa akong computer technician doon na bibihirang maging trabaho ng babaeng tulad ko. Andami kong natutunan sa trabahong iyon. Sadya ngang totoo ang sinasabi nila na magsikap ka lang at may magandang mangyayari sa buhay mo.

Tuesday, September 16, 2008

Playboy & Playgirl matter

In reality of life, we must accept the fact that there are average playboy and playgirl spread out there. Ano nga ba ang kahulugan ng playboy or playgirl? sa tagalog Salawahan, ang taong hindi makuntento sa isa, ang taong naghahanap pa ng iba kahit meron ng isa. I can’t understand why they continuously act for it despite they knew it is not right. Para lang ba maipagmayabang na madami silang naging boyfriend or girlfriend? Or para masabing they are pretty & sexy or handsome & macho among the others? Huwag nating ituring na biro ang love dahil sagrado ito sa lahat ng bagay. We should love the person who is willing to love and give everything to us. Lahat ng playboy or playgirl ay hindi nagbibigay ng importansya sa mga taong nagmamahal sa kanila. Hindi madaling magtiwala sa mga taong ito kahit na ilang beses nilang sabihing mahal ka nila. Nakakaawa ang mga taong naluluko at pinapaasa ng mga ito. Pero bakit nga ba nila ito ginagawa? Ano ang tunay na dahilan nila? Kahit na alam nilang makakasakit sila ng damdamin ng iba? Kulang lang ba sila sa pansin? Nasaktan na ba sila dati kaya sila bumabawi? Karaniwang ang isa sa mga dahilan kung bakit minsan mas pinipili nilang magmahal ng dalawa o higit pa dahil takot silang maiwanan ng nag-iisa. Para daw may reserba. Kaya kahit mawala yong isa ay okay lang dahil andyan pa naman yong isa. Parang sa pelikula “Si Aida, Si Lorna o si Fe”. Minsan tuloy napapaisip ako kung meron pa bang matitinong lalaki sa mundo ngayon? Siguro meron pa but in one million guys in this world perhaps there is only one person or two persons who is loyal and sensible, you’re lucky if you pick him/ her. I have this one friend of mine, who confess and reason out for being a playboy, but what he said is not valid for me. He told me that nagluluko daw siya dahil nagkukulang daw ng atensyon ang girlfriend niya sa kanya. Sabi ko naman “Oh come on, that’s not a valid reason para magluko ka, if you love your girlfriend, hindi ka dapat nagtotwo timer”. Pero hanggang ngayon pinagpapatuloy pa rin niya ang kalukuhan niya. For me, mas mabuting i-break nalang nila yong girlfriend or boyfriend nila kaysa gawin silang tanga at niluluko lang, diba?. Oo nga at tao lang tayo, nagkakamali din pero kaya nga tayo binigyan ng sariling pag-iisip para gamitin natin ito at isipin ang kapakanan din ng ibang tao hindi ang sarili lang natin. Mahirap mag-isip kapag puso na ang pinag-uusapan pero tanong ko sayo, “gusto mo bang ang taong mahal mo or mamahalin mo ay aagawin ng iba sayo?”. And we must remember naghihintay lang ang karma at meron itong dalawang klase, may GOOD Karma at meron ding BAD Karma. Kaya Girls and Boys out there “CHANGE FOR THE BETTER ok?”

Wednesday, September 10, 2008

Through thick and thin


“Friends through thick and thin”. Those are the words I read in magazine. All of a sudden I started to ask my self, “Do true friend exist?” I must say that I meet lots of people in my amble of life but not all of them are my real friend. Almost all of them, kaibigan ng pangmadalian lang. Maraming klaseng kaibigan ang nagkalat o nilalang dito sa mundong ating ginagalawan. May iba, kaibigan mo ngayon pero bukas hindi na. Ang iba, kaibigan ka lang kapag may kailangan. Ang iba, kaibigan ka lang ngayon pero kapag wala ka ng pera ay mawawala din sila sayo. Ang iba, akala mo kaibigan mo sila for life pero kapag magkalayo na kayo kasabay din non ang paglimot nila.
Bibihira na lang tayong makatagpo ng tunay na kaibigan ngayon. Yong tunay na magmamalasakit sa’yo at matatakbuhan mo sa oras ng kagipitan. Ang taong pipiliing sabihin ang isang bagay kahit alam niyang masasaktan ka, basta masabi ang totoo. Who will help you without expecting anything in return and who will support you in every decision you make. Sabi nga nila, maraming sitwasyon ang susubok para masabi kung anong klaseng kaibigan ang mayroon ka
Mapapalad ang mga taong nakakatagpo ng mga tunay na kaibigan because finding a true friend is the hardest thing to do and as Shakespeare says “If you find a true friend then tie him with chains of steel.” Meaning never let go of the person you call true friend because they are peculiar specie. C:

Saturday, August 30, 2008

Letters? Uso pa ba?

These days, I’m sure that Technologies is quite spread out not only in our country but also in different nations as well. Many gadgets now a days invented to help us and to acquire easiest way to communicate on our love ones. All of us are probably own an account in friendster, myspace, yahoo messenger, etc. One of the major gadgets we are using right now is cell phones. But as I can remember, snail mail is the most active to use before, just to communicate. It has classifications, for instances are friendship letter, family letter, love letter, etc. But if you will ask me for what I prefer, I would rather choose mail. Don’t get me wrong for that. My main reason is… I can keep it as a remembrance and as you can see it is also my collections. I particularly put it in my crucial box and read it all the time. For me it is more appreciated than via electronic devices like cell phones because you can erase your text messages and if you have already not enough memory or if your cell phone got a virus, you have no choice but to eradicate the message you’ve receive. But of course, the disadvantage of a mail is... You cannot receive/ get your messages at the same time and you have to wait for a couple of weeks. But despite of this, marami paring na in-love sa mga katagang “Mahal kong Iniirog”, “Minamahal Ko”, “Dear Love”, “Dear Sweetheart”, “Dear Baby”..blah blah blah. Isa sa mga ‘to ang ancle at antie ko, they are pen pals and became lovers. Although they had long distance relationship, hindi yon naging hindrance sa relationship nila. Kahit na malayo sa isa’t isa ay lagi parin silang nagiging masaya pagdating ng sulat galing sa pinakamamahal nila. I also remember my friend in high school, someone gave her a letter and it’s indicating there “From Your Secret Admirer”. My friend didn’t expect that the person who gave that letter is her ultimate crush in the campus. She was so happy then. There are some people who cannot express themselves through oral or actions so they exclaim their true feelings through handwriting, dinadaanan nalang sa kapirasong papel. But Letters is not any longer in the vocabulary mind of people, we have already broadly technologies and as a graduate of computer related course “I’m aware of it”. . Uso pa ba ang sulat sa panahon ngayon? Sa akin oo, because nakatago parin ang mga ito. How about you? Uso pa ba sa’yo ang sulat? or mas naaappreciate mo ang technology na meron na tayo ngayon?

Thursday, August 28, 2008

Hindi lang sa pelikula nangyayari

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit marami pa ring nagkalat sa mundo na mga taong walang alam gawin kundi gumawa ng masama sa kapwa nila. Kahit kabaitan ang iyong ipinapakita sa kanila ay hindi ka pa sinusuklian ng kabutihan. Hindi lang pala sa pelikula o teleserye nangyayari ito dahil maging sa realidad ng buhay ay nangyayari ito. Mayroon kasi akong kilalang tao na sobrang bait kapag nakaharap siya sayo ngunit nagbabalat kayo pala. Kinakaibigan ka niya, inaalam ang kahinaan mo at hindi mo nalalaman na pagtalikod mo ay doon ka niya tinitira. Hindi pa siya nakuntento, nagsumbong pa siya sa iba at pinalabas na siya ang tama. Nagtsismis pa siya. Marunong siyang gumawa ng istorya, marunong siyang magdrama pano naman kasi mataas ang kursong natapos niya. Iyon ata ang major subject niya, ang karunungang magbaliktad ng tao. Ngunit kahit gaano kataas ang pinag-aralan niya, kung atin lamang pakaiisipin daig pa niya ang taong walang pinag-aralan dahil wala siyang kaprofe-professionalism sa katawan. Pareho kayong nagtapos ng college pero iba ang ugaling meron siya. Marahil iyon ang itinuro sa kanya sa lugar na kinalakihan niya. Wala siyang pakialam kung mali ang kanyang ginagawa dahil para sa kanya ‘yon ang tama. Alam ko marami rin sa atin ang naka-encounter or nakakaincounter pa lang ng mga taong ganito. Diba tayo ang lumalabas na bida at sila ang kontrabida?. Don naman sa mga taong hindi pa nakaencounter ng mga katulad ng taong ito “Beware kayo” Minsan mas maganda talagang huwag munang magtiwala sa ibang tao hangga’t hindi mo pa siya lubusang nakikilala. Pareho tayong nabubuhay sa mundong ito at minsan lang tayo mabuhay kaya sana gawin natin itong makabuluhan. Huwag tayong gagawa ng masama sa kapwa natin dahil baka pagdating ng araw sarili din natin ang maniningil sa atin. Lahat ng ginawa natin sa iba ay babato o babalik din sa atin. Sa mga katulad kong bida, sundin nalang natin ang utos ng Diyos “Mahalin mo ang iyong kaaway” – Matthew 5:43-48. Dahil darating din ang araw na ang mga taong yan na kontrabida ngayon ay makakatagpo din ng mga taong kontrabida na mang-aapi sa kanila.

Ang nagpapakataas ay ibaba at ang nagpapakababa ay itataas." (Mateo 23:12)

Wednesday, August 27, 2008

“Kuripot” is not that bad

I admit I’m kuripot. Even though my friends brings to their mind and laugh at me. I just being myself and I’m not ashamed for being frugal. Oftentimes when I come home from my work, I count every centavo in my wallet if I left any. Everyday, I have exact money for my fair going to my work, my lunch break and my mirienda. One of my friends told me “Pag nakabunggo daw ako ng itlog sa kanto ay siguradong wala akong ibabayad dahil eksakto lang lagi ang dala kong pera”..LOL. I always carry a lot of coins in my purse para minimum lang ang maibayad ko sa jeepney. Some of the drivers kasi kurakot pagdating sa pamasahe, they collect above minimum fair. I feel exasperate and my face frowned when they gave me not exact change. Lagi rin akong nakakaramdam ng panghihinayang na bumili ng bagong damit, kahit luma na basta hindi pa butas at ok pa ang damit ay isinusuot ko pa ito. When I’m in college, I frequently used crayons to highlights my notes instead of stabilo boss. When my friends invite me to eat at restaurant or fast food, I just go with them basta libre nila..Hehe. Hindi naman sa kakapalan ng mukha kundi kanipisan lang ng bulsa. Besides they are the one who invited me, as they say “ Huwag tanggihan ang grasya”.
Anyway, I’m proud to be a stingy person and I know hindi ako nag-iisa. In this world we need to discipline ourselves because you cannot buy any candies in just one centavo anymore unlike before noong kapanahunan pa ng mga lolo at lola natin. As years passed by, lalong tumataas ang bilihin mapa gasolina, bigas, mantika, gulay, prutas, isda, halos lahat ng pangangailangan natin everyday ay tumataas.
We should budget our money and save a little so that in case of emergency we will have money to spend on. After all, the best reason for being kuripot is we are saving up for something. And that’s definitely not something to be ashamed of.

Tuesday, August 26, 2008

Sino ang tunay na salarin?

Marami sa atin ang laging naninisi kay President Gloria Arroyo dahil sa buhay na meron tayo ngayon. May mga iba, salita ng salita pero madami namang mga anak at walang trabaho. Laging naglalasing at naninigarilyo. Laging nagsusugal. Laging nasa kanto tsismis ang inaatupag. Tamad mag-aral. Tamad maghanap ng trabaho. Tulog maghapon may sakit daw sa BATO(gan). May mga iba na nasa barangay panay ang upo, pag may dumating na grasya este donation para sa mga taong nasasakupan ay napakasaya nila. Kaso dito sumusulpot ang problema, ang 100% na ito ay nagiging 50% ang napupunta sa mga tao. Nasaan ang 50% remaining? Syempre naiiwan sa kanila. No. 1 na sa corruption ang Pilipinas. Mananatili tayong andyan sa pwestong ‘yan pag hindi tayo nagbago. Pag sa mga mababang opisyales nangyayari ito, how much more sa mga matataas diba? Pagdating naman sa kapaligiran, may mga taong namumutol ng puno kahit na alam nilang maraming nagsasakripisyong kapwa nila Pilipino sa baha lalo na pag dumarating ang bagyo.

Pag manonood ka ng balita sa TV, puro paninisi ang maririnig. Sino na nga ba ang tunay na salarin? Kung gusto po natin ng pagbabago, umpisahan sana natin ang pagbabago sa sarili natin. Huwag na tayong manisi at pagtutulungan lang ang kailangan. Minsan nasa atin din ang may deperensya, hindi nakasalalay sa ibang tao ang ikagiginhawa ng buhay natin kundi nasa sarili nating kamay. Oo at napakalaki na ng utang ng bansa natin nguni’t kung atin lamang iisipin maraming solusyon. Matuto tayong maging disiplinado, maging masikap sa buhay, maging pasensyoso, tumulong at gumawa ng mabuti sa kapwa.

Hindi rin po ako perpekto pero ipinapasa-Diyos ko na lamang ang lahat at ginagawa kong makabuluhan ang buhay ko sa mundong ito. Ginagawa ko po ang lahat ng aking makakaya pra maging mabuting mamamayang Pilipino.
This is the day that the Lord has made. Let us rejoice and be glad in it.